Buboy Villar, nagtatrabaho ng maigi upang maibsan ang pagkamiss sa kaniyang mga anak na nasa Amerika

Wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng magulang para sa kanyang mga anak. Ang ating mga magulang ay gagawin ang lahat upang mapasaya tayo. Nagsasakripisyo sila upang mabigyan tayo ng magandang kinabukasan at hindi maranasan ang pait at hirap ng buhay na minsan na nilang naranasan.


Photo Courtesy: Buboy Villar | Instagram




Ito rin ang mga pangakong binibitawan natin sa ating sarili kung sakaling magkaroon tayo ng sariling pamilya. Gagawin din natin ang lahat ng ating makakaya upang mapabuti ang kanilang kalagayan. Tulad na lamang ng kasalukuyang ginagawa ni Buboy Villar.


Photo Courtesy: Buboy Villar | Instagram

Sa isang panayam sa kaniya, ibinahagi ni Buboy na lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kanyang mga anak na malayo sa kanyang piling. Maraming panahon na din ang lumipas nang maghiwalay si Buboy at ang kanyang dating partner na si Angilyn Gorens.


Photo Courtesy: Buboy Villar | Instagram

Gayunpaman, mayroon pa ding magandang komunikasyon at pakikitungo ang dalawa sa isa’t-isa. Bahagi ni Buboy na ginagawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maging mabuting ama sa kanyang mga anak.


Photo Courtesy: Buboy Villar | Instagram




Sa kabila ng mga pagpapatawa at ngiti na nakikita natin sa mukha ng aktor ay mayroon ring lungkot na bumabalot sa kanyang puso at isipan. Ito ay sa kadahilanang matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama ang dalawa niyang anak na nasa Amerika.


Photo Courtesy: Buboy Villar | Instagram

Kung kaya siya ay matiyagang nag-iipon upang may maibigay sa kanyang mga anak. Malaking pasasalamat din ang pinapahatid ni Buboy sa social media dahil kahit papaano nababawasan ang lungkot niya sa tuwing nakakausap ang kanyang mga anak.


Photo Courtesy: Buboy Villar | Instagram

Gayunpaman, para sa aktor iba pa rin ang pakiramdam na makita at mayakap ang mga anak niya sa personal. Isa din sa mga dahilan kung bakit nagsusumikap ang aktor sa pagtatrabaho ay dahil ayaw niyang mapagdaanan ng kanyang mga anak ang mga naranasan niya noong bata siya. Nais niyang maibigay ang lahat nang gusto ng mga ito.


Photo Courtesy: Buboy Villar | Instagram

Nagpapasalamat din siya sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil siya ang nagbigay kay Buboy ng oportunidad upang maging bahagi ng showbiz. Dahil umano dito ay nabigyan siya ng pagkakataon upang makaahon sa hirap at magkaroon ng magandang buhay malayo sa kanyang kinagisnan.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *