Handa na si Angeline Quinto na harapin ang panibagong yugto ng kaniyang buhay sa pagtanggap nito sa marriage proposal ng kaniyang partner na si Nonrev Daquina

Ano mang hamon at pangyayari na dumarating sa ating buhay ay ating ipagpasalamat sa Diyos. Alam nating hindi madali ang ating mga pinagdaanan bago makamit ang mga hinihiling natin sa ating sarili at mga mahal sa buhay. Pagpapasalamat at pagmamahal ang kailangan upang matanggap ang mga nangyayari sa ating buhay.


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram




Katulad na lamang ng aktres na si Angeline Quinto, sa kabila ng mga kalungkutan at pighating pinagdaanan sa buhay lalo na ng mamatay ang kaniyang ina ay sumibol naman sa kaniya ang bagong pag-asa at ligaya.


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram

Ito ay ng biyayaan at isilang niya ang napaka-cute at malusog niyang panganay na anak. Hindi lang ito, dahil bakas sa mukha ng aktres ang labis na kasiyahan ng magproposed sa kaniya ang live-in partner niya.


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram

Hindi niya napigilan ang sayang nadarama, kaya naman ipinagsigawan niya sa mga tao na siya ay engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay nangyari ng mag-concert siya sa Amerika.


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram

Ayon sa kaniya, napaka-espesyal ng concert niya dahil kasama niya ang kaniyang malapit nang maging biyenan. Kaya naman, hiyawan, palakpakan at suporta ang ibinigay sa kaniya ng mga kababayan nating nasa Amerika.


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram




Hindi nila alintana ang pagod at gastos masuportahan lang ang kanilang iniidolong si Angeline Quinto. “Panibagong kabanata ng buhay”, ang nasambit ni Angeline.


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram

Sa isang panayam sa kaniya, sinabi ng aktres na wala pa talaga silang balak magpakasal ni Nonrev. Kung magkakaroon man at mangyari ang kasalan sa hinaharap ay ipagpapasalamat niya ito sa Panginoong Diyos.


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram

Ngunit sa ngayon tanging ang kanilang anak na si Sylvio ang kanilang uunahin at bibigyang pansin. Bago pa man nangyari ang proposal, sina Angeline at Nonrev ay nagsimulang magmahalan taong 2020.


Photo Courtesy: Angeline Quinto | Instagram

Lalong nagkaroon ng tamis at ningning ang kanilang pagmamahalan nang isilang ni Angeline ang kanilang panganay na anak na si Sylvio noong Abril, 27 2022. Si Angeline Quinto ay binansagang “Philippine’s Queen of Teleserye at Movie Theme Songs.”




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *