Nakakakilig talaga makita ang dalawang taong lubos na nagmamahalan. Pagmamahal ang susi sa masaya at mahabang pagsasama. Marami tayong mga iniidolong artista na talaga namang sinusubaybayan natin ang mga kaganapang nangyayari sa kanilang buhay.
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Photo Courtesy: Rhian Ramos | Instagram
Kahit na nakikita lang natin ang kanilang mga larawan na punong-puno ng pagmamahal mula sa taong umiibig sa kanila ay nakakaramdam na tayo ng kasiyahan. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na aktres na si Rhian Ramos.
Photo Courtesy: Rhian Ramos | Instagram
Si Rhian Demise Ramos Howell o mas kilala sa pangalan na Rhian Ramos ay ipinanganak noong October 3,1990. Maliban sa pagiging artista ay kilala din ang aktres sa larangan ng music industry, modeling at ang kakaiba sa lahat ay ang pagiging racer car driver nito.
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Unang nakita natin ang aktres sa telebisyon noong 2006 sa teleserye na pinamagatang Captain Barbel. Doon nagsimula ang sunod-sunod na proyekto na ginampanan niya upang makilala lalo siya sa industriya.
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Kamakailan lamang ay nagbahagi siya ng isang litrato na nagpapakita ng masaya at sweet moment nila ng kanyang nobyo na si Sam Verzosa. Marami sa mga netizens at kanyang mga katrabaho tulad nina Marco Gumabao, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia ang kinilig sa litrato na ito na ibinahagi ng aktres.
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Hindi din naman nagpahuli ang iba’t-ibang beauty queens na sina Katrina Rodriguez, Gazini Ganados at Michelle Dee na nagpakita ng kanilang pagsuporta at kilig sa post na ito ng aktres.
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Kasama sa litrato ang maiksing mensahe ng aktres na binabati niya ng maligayang kaarawan ang kanyang nobyo na si Sam. Si Sam Verzosa naman ay CEO ng isang tanyag at matagumpay na networking company.
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Photo Courtesy: Sam Verzosa | Instagram
Ang pagmamahalan ng dalawa ay ibinunyag ng aktres kamakailan lamang sa isang Thanksgiving Ball. Napansin ng mga nandoon sa ball na ang kadate ng aktres ay si Sam kung kaya agad-agaran siyang tinanong kung mayroon ba silang relasyon. Dito ay walang atubili na inamin ng aktres na matagal na silang dalawa ni Sam na may relasyon.