Mimiyuuuh, binalikan ang kakaiba at nakakatuwang yugto ng kaniyang pagkabata noon na kung saan siya ay semi-bald

Nakatutuwang isipin at makita ang mga bagay na ginawa natin noong tayo ay bata pa. Sa panahon ngayon, usong-uso na ang pagkuha ng mga larawan sa mga bata gamit lamang ang mga makabagong teknolohiya tulad ng cellphone.


Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram




Hindi maikakaila na gumagawa pa ng album ang mga magulang ng kanilang mga anak simula sa ipinagbubuntis hanggang sa lumabas ito, maging sa bawat buwan na dumaraan at higit sa lahat ang mga kakaibang ginagawa at pangyayari sa buhay nila habang sila ay lumalaki. Maswerte ka kasi makikita at mababalikan mo ang mga ganitong kabanata ng iyong buhay noong ikaw ay bata pa.


Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram

Ngunit may mga pagkakataong nahihiya tayong ipakita sa iba ang ating mga larawan sa kadahilanang may mga pupunain sila sa atin. Isa na marahil dito ang naging kasuotan natin, ang mga ngipin na makikita sa matatamis nating ngiti o di kaya naman ang hairstyle ng buhok natin.


Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram


Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram

Katulad na lamang ni Mimiyuuuh na binalikan at ibinida ang kaniyang larawan noong siya ay bata pa. Ibinahagi ni Mimiyuuuh sa kaniyang Instagram account ang kaniyang lawaran kung saan siya ay makikitang semi-kalbo.


Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram





Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram

Ang nasabing larawan ay nakunan noong siya ay pitong taong gulang pa lamang. Ipinaliwanag din niya sa caption ng nasabing larawan na hindi siya palangiti dahil sa nahihiya siyang ipakita ang kaniyang ngipin. Ngunit kalaunan ay nagkaroon na rin siya ng kumpiyansa sa sarili na ngumiti dahil napagtanto niya na ang kaniyang pag-ngiti ang nagbibigay at nagpapakita kung sino talaga siya.


Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram

Ang nasabing larawan ay may kalakip ding pag-endorso sa isang brand ng toothpaste na Colgate, kung saan ay may kalakip na #SMILEOUTLOUD. Sino nga ba ang mag-aakala na ang ngiping ikinahihiya mo noon ang magdadala sayo sa rurok nang tagumpay.


Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram

Siya ay sumikat at nakilala sa isang trending video challenge ng kantang “Dalagang Pilipina”. Dahil dito, ito ang naging simula at nag-udyok sa kaniya na gumawa nang sariling bersyon ng iba’t-iba at kilalang celebrity.


Photo Courtesy: Mimiyuuuh | Instagram

Si Jeremy Sancebuche o mas kilala ng lahat bilang si Mimiyuuuh or Mimi ay ipinanganak noong Nobyembre 11, 1996.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *