Pansin na pansin ang kagandahan ni Moira Dela Torre sa kabila ng mga nangyari sa kaniyang buhay nitong mga nagdaang buwan

Naniniwala ka ba na bawat tao nararapat na bigyan ng pangalawang pagkakataon? Marahil, hati ang kasagutan ng bawat tao sa ganitong klase ng katanungan. May sasagot ng “oo” mayroon ding “hindi”, base sa kung ano ang kanilang pinagdaanan.


Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram




Sabi nga ng nakararami lahat puwede mong makalimutan, ngunit ang pusong winasak at sinugatan, kailan man ay hindi makalilimot. Ano mang bagay ginagawa mo para sa taong mahal mo. Binubuhos at ibinibigay natin sa kanila ang lahat ng pagmamahal at oras natin sa kanila na minsan nakalilimutan na nating magtira para sa ating sarili.


Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram

Ngunit ang matinding katanungan, bakit nagagawa pa rin nila tayong saktan? Gayung alam mo naman sa sarili mong wala kang pagkukulang. Kamakailan nga lamang ay napabalita ang hiwalayan ng mag-asawang Moira Dela Torre at Jason Hernandez.


Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram

Agad namang nagbigay ng kani-kanilang panig ang bawat isa. Sa kabila nito, respeto at pagmamahal ang ibinigay sa kanila ng kanilang mga tagahanga. Matapos ang kanilang hiwalayan ay kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa pisikal na katangian ni Moira.


Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram

Dahil sa kaniyang kasuotan sa nakalipas na grand finals ng “Idol Philippines” season 2, ay talaga namang makikita na malaki ang kaniyang pinayat at higit sa lahat lalong nangibabaw ang kaniyang natural na ganda.





Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram

Dahil dito ay hindi nagpaawat ang mga marites maging ang TikTok video ni Moira ay hindi nakaligtas kung saan ay kaniyang inawit ang sariling awitin nito na pinamagatang “Babalik Sa’yo”.


Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram

Kung kaya isang tagahanga ang naglakas loob na tanungin ang mang-aawit kung bibigyan niya ng pangalawang pagkakataon ang kaniyang dating asawang si Jason Hernandez.


Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram

“Nope”, ang katagang naisagot si Moira sa nasabing katanungan. Ayon sa kaniya, ito ay isang awitin lamang at huwag masyadong marupok.


Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram

Kasabay nito bagong released na awitin ni Jason Hernandez na pinamagatang “Ako Nalang” na kung iyong pakikinggan at bibigyang pansin ang bawat lyrics ng awitin tila ba ito ay mga hugot na nangyari sa kanilang dalawa.


Photo Courtesy: Moira Dela Torre | Instagram

Ikinasal ang dalawa noong Enero 14, 2019 at natuldukan ang kanilang pagmamahalan noong Mayo 2022.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *