Ibinahagi ng anak ni Cherry Gil na si Bianca na mahal na mahal ng aktres ang kaniyang farm sa Bukidnon

Napakaraming henerasyon na ang dumaan sa mundong ito at milyon-milyong tao na ang sumakabilang-buhay. Kabilang na rito ang ilan sa mga kakilala, kaibigan at maging ang kamag-anak natin. Ang kanilang maiksing oras na inilaan dito sa mundong ito ay nag-iwan sa atin ng malulungkot at masasaya nilang ala-ala.


Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram




Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram

Sa oras ng kanilang paglisan ay matinding hapdi at kirot ang ating mararamdaman lalo na kung ang namayapa ay ang ating mga magulang. Tulad na lamang ng anak ni Cherry Gil na nagbahagi ng kanyang nararamdaman patungkol sa kanyang ina.


Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram


Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram

Kamakailan lamang ay ginulat tayo ng isang nakalulungkot na balita tungkol sa beteranang aktres na si Cherry Gil. Dahil yumao na ito sa edad na 59 sanhi nang malalang karamdaman. Marami ang hindi makapaniwala sa nangyari, kung ating natatandaan na ang kapatid din ng aktres na si Mark Gil ay namayapa din dahil sa walang lunas na karamdaman noong 2014 sa edad na 52.


Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram




Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram

Gayunpaman, ay magpasalamat na lang tayo sa kadahilanan na hindi na nila mararamdaman ang matinding kirot na nagpapahirap sa kanila. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang mensahe ang kanyang anak na si Bianca Ragoff sa kanyang social media account na nagsasaad kung gaano niya kamahal ang kanyang inang si Cherry Gil.


Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram

Sa kanyang mensahe mababasa din natin na tila nararamdaman niya ang kanyang ina at pati na din ang kanyang tiyuhin na gumagabay sa kanya.


Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram

Siya ay lubos na nagpapasalamat na kahit wala na ang mga ito sa kanyang tabi ay nandiyan pa din sila upang bantayan at ilayo siya sa mga negatibong bagay na kanyang iniisip. Lagi umano iniisip ni Bianca ang pagiging energetic and adventurous ng kanyang ina. Ito ang mga bagay na kahit kailan ay hindi niya makakalimutan.


Photo Courtesy: Bianca Rogoff | Instagram

Sa isang post na ibinahagi ni Bianca ay isinaad niya kung gaano kamahal ng kanyang yumaong ina ang farm nila sa Bukidnon. Naaalala niya na saad ng kanyang ina na iyon lamang ang tanging lugar na kung saan nailalabas niya ang tunay na nararamdaman sa kaniyang sarili. Nakita umano ng aktres sa Bukidnon ang kapayapaan kasama ang mga taong mahal niya na nandoon sa farm na iyon.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *