Isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay mag-asawa ay ang pagkakaroon ng anak. Hindi lamang ang mga magulang ang masaya kundi pati na rin ang magiging mga lolo at lola ay hindi maipaliwanag ang saya gayong magkaka-apo na sila.
Photo Courtesy: Luis Manzano | Instagram
Ito ang naramdaman ng beteranong aktor na si Edu Manzano nang ibalita sa kaniya ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na magiging lolo na siya.
Photo Courtesy: Luis Manzano | Instagram
Noong Hunyo 2022, nang ibalita ng mag-asawa ang kapana-panabik na balita kay Edu. Mapapanuod sa video, na binungad ni Luis sa ama ang katagang “Hi, Lolo!” kasabay nito ang pagpanuod ng ultrasound ng kanilang baby.
Photo Courtesy: Luis Manzano | Instagram
Hindi lang si Edu ang naging masaya sa nasabing balita, gayundin ang partner nitong si Cherry Pie Picache na agad namang niyakap at binati si Edu. Magkahalong gulat at saya ang naramdaman ni Edu. “Wow” ang tanging salitang nasambit ng aktor.
Photo Courtesy: Luis Manzano | Instagram
Dahil sa mabilis na pangyayari ay sunod-sunod ang mga katanungang naisambit niya sa mag-asawa. Isa na rito ay kung ilang buwan na ang ipinagbubuntis ni Jessy. Sa sobrang tuwa ay niyakap at hinalikan ni Edu sina Luis at Jessy.
Photo Courtesy: Luis Manzano | Instagram
Mapapanuod ang iba’t-ibang naging reaksyon ng bawat miyembro ng pamilya sa YouTube Channel ni Jessy na kaniya nang na-upload noong Setyembre 1. Ang nasabing video ay may pamagat na, “TELLING OUR FAMILIES ABOUT OUR BABY PEANUT (REACTIONS).”
Photo Courtesy: Luis Manzano | Instagram
Ito ay may nakalakip na kapsyon, “Bago naming ibinahagi ang magandang balita sa lahat ng tao, siyempre, sinabi muna namin sa aming pamilya ang tungkol kay baby Peanut! Magkahalong pananabik at gulat ang kanilang naramdaman.
Photo Courtesy: Luis Manzano | Instagram
Sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya, ang Star for All Season na si Vilma Santos ang unang nakaalam tungkol kay baby Peanut. Ang nasabing pagbalita kay Vilma Santos ay kasabay ng pag-diriwang nang “Mother’s Day”, noong Mayo. Maging ang ina ni Luis ay hindi rin makapaniwala sa kanilang ibinalita.
Photo Courtesy: Edu Manzano | Instagram
Ngunit ganun pa man, magkahalong saya at pananabik ang naramdaman ng ina. Ikinasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola noong Pebrero 21, 2021. Noong Agosto 11, 2022, kanilang ibinalita na magkakaroon na sila ng anak.