Malayo na ang narating ng nag-iisang “Unkabogable” star Vice Ganda at mula nga sa isang payak na pamumuhay, ngayon ay isa na siya sa mga kinikilalang showbiz personality sa ating bansa. Maganda ang nagiging takbo ng kaniyang karera bilang artista at hindi rin matatawaran ang mga awards na nakuha niya simula nang pumasok siya sa entertainment industry.
Photo Courtesy: Maricel Soriano | Youtube
Samantala, hindi lang ito ang natupad na pangarap ni Vice dahil nakapagpatayo na rin siya ng sarili niyang dream house, nakabili ng mga sasakyan, nakakatulong sa mga nangangailangan at ang pinakamahalaga sa lahat ay nahanap na niya ang kanyang “true love”.
Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram
Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram
Ngunit sa lahat ng tagumpay na kaniyang tinatamasa ay parang mayroon pa ring kulang sa kaniyang buhay na hanggang ngayon ay inaasam-asam niyang makamit. Ito ay walang iba kundi ang pagkakaroon ng sariling anak at ang bagay na ito ay hayagan niyang ibinahagi sa vlog na ginawa nila ng batikang aktres na si Maricel Soriano.
Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram
“Yes, gusto kong magkaanak. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa.”, mabilis na sagot ng komedyante sa tanong ni Maricel.
Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram
Bata pa lang ay pangarap na ni Vice ang magkaroon ng sariling anak at maranasan kung papaano maging magulang kahit na hindi niya pa alam kung kailan ito mangyayari. Sa katunayan, kahit na maraming paraan para maisakatuparan ang kaniyang kagustuhan ay mayroong pumipigil sa kaniya na ito ay magawa.
Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram
“Maaalagaan ko pa ba ito pag ganitong edad? Pag nag debut siya, ilang taon ako nun? Makaka-attend pa ba ako ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya?’ Iniisip ko rin yung mga ganun,” dagdag pa ng 46-anyos na komedyante.
Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram
Importante kay Vice na maibigay ang lahat ng pangangailan ng kaniyang magiging anak, hindi lang materyal na bagay ngunit higit sa lahat ay pagmamahal at atensyon ang gusto niyang maipadama dito.
Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram
Samantala, kung papipiliin naman si Vice ay mas gusto niya ang anak na babae para mayroon siyang maaayusan at maka-bonding sa shopping. Sa ngayon ay mahigit tatlong taon nang magkarelasyon sina Vice at Ion na parehong host ng It’s Showtime.