Hindi kailanman hadlang ang edad upang ating makamit ang minimithi sa buhay. May kaniya-kaniya tayong oras at panahon na inilaan ang panginoon upang ito’y ating makuha. Basta’t hindi nawawala ang iyong sipag at determinasyon ay hindi malabong mapasaiyo ang tagumpay.
Image courtesy: Bezaleel James | Facebook
Tulad na lamang nga ng animnapu’t limang taong gulang na ginang na si Ma. Nida Moran Suarez. Nasungkit lang naman ni Ma’am Nida ang Top 10 sa nakaraan lamang na LEPT o Lisensya para sa pagiging propesyunal na guro. Ang nakuha niyang grado ay napakataas at ito ay may rating na 92.60 percent.
Image courtesy: Bezaleel James | Facebook
Kamangha-mangha ang galing ng guro na si Nida kahit na ito ay mayroon nang edad. Laking tuwa naman ng kaniyang buong pamilya kung kaya’t nagawang ibahagi agad ito ng kaniyang anak na si James sa social media na agad naman nagtrending at ibinahagi ng mga netizens.
Image courtesy: Bezaleel James | Facebook
Ang nasabing post ng kaniyang anak ay ang litrato na magkasama silang mag-ina at nakasuot ng Toga ang guro na si Ma. Nida. Proud na ibinahagi ito ng kaniyang anak na may kalakip na caption na, “You never failed to impress me with your excellence.”
Image courtesy: Bezaleel James | Facebook
Kwento ni James na hindi umano nakapagtapos ng pag-aaral ang kaniyang nanay dahil mas pinili nitong magtrabaho upang may pangtustos sila sa pang-araw-araw ngunit nagdesisyon itong mag-aral muli noong siya’y tumuntong sa edad na 59.
Nakapagtapos ng pag-aaral si Ma’am Nida taong 2020 ngunit hindi agad siya nakapagtake ng exam sa kadahilanang iyon ang panahon ng pananalasa ng pandemic.
Kung kaya sumabay na silang mag-ina magtake ng exam dahil si James ay parehong kurso ang kinuha na nagmimithing maging guro din. Laking tuwa talaga ng mag-ina dahil pareho silang nakapasa.
Image courtesy: Bezaleel James | Facebook
Dagdag pa ni James na talagang nagfocus ang kaniyang ina sa pagrereview kung kaya’t nasungkit niya ang top 10. Hindi basta-basta ang pinagdaanan ng kaniyang ina dahil sa kabila ng kaniyang edad ay talagang pinilit at pinursige niya na makuha ang lisensiya.