Nauuso nga ngayon ang mga maternity shoot, lalong-lalo na sa mga celebrity moms. Paraan ito ng mga preggy mommy upang alalahanin balang araw ang kaniyang karanasan at hitsura sa pagbubuntis kapag dumating ang panahon na siya ay nanganak na o kapag malaki na ang bata.
Photo Courtesy: Danica Pingris | Instagram
Ginagawa rin nila ito bilang remembrance o good memories na ibabaon panghambambuhay. Nakakatuwa nga naman talaga makita ang mga litrato ng ating mga anak noong sa loob pa lamang sila ng sinapupunan ng kanilang ina.
Photo Courtesy: Danica Pingris | Instagram
Kung dati-rati ay wala namang mga ganitong klaseng ganap sa buhay ng mga ina, ngunit ngayon ay marami na ang gumagawa nito at isa na rito ang kasalukuyang nagdadalang-tao na si Danica Sotto-Pingris.
Photo Courtesy: Danica Pingris | Instagram
Confident na ibinahagi ng asawa ng basketbolista na si Marc Pingris ang napakagandang Maternity Photos nito na nag-uumapaw pa rin sa kagandahan kahit na ito’y buntis.
Photo Courtesy: Danica Pingris | Instagram
Sa edad na apatnapung taong gulang ay nakahabol pa ng isang supling ang mag-asawang Danica at Marc. Pansin na pansin naman ang glowing fair skin ni Danica na talagang agad napansin ng mga netizens at pinuri.
Kalakip ng ilang litrato ay ang caption na, “Soon, I will be a Mama of three. Excited to meet our little prince next month.”
Photo Courtesy: Danica Pingris | Instagram
Ito ay pangatlong anak na ni nina Danica at Marc. Ang kanilang darating na sanggol ay isang lalaki at nakatakdang ipanganak ngayon Enero.
Photo Courtesy: Danica Pingris | Instagram
Laking tuwa naman ng mga kaibigan at kamag-anak nina Marc at Danica dahil mayroong darating na bagong biyaya sa kanilang buhay. Marami naman sa kanilang mga kaibigan sa showbusiness industry ang nagcomment sa mga litrato na nagpapahayag ng kasiyahan at pagpuri kay mommy Danica.
Photo Courtesy: Danica Pingris | Instagram
Isa sa mga nagcomment sa mga litrato ay sina Pauleen Luna, Bianca Gonzales, Ciara Sotto, Iza Calzado, Nikka Garcia, Mariel Padilla, Dimples Romana, at maraming pang iba na malapit sa kanilang puso.
Photo Courtesy: Danica Pingris | Instagram
Kapuri-puri nga naman talaga ang hitsura ni Danica sa mga litrato nitong nag-gagandahan kung kaya’t ganoon na lamang ang reaksyon ng mga celebrity friends at family.