Nakasungkit ng gintong medalya sa Indonesia ang anak ni Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana

Karamihan sa mga anak ng mga sikat na artista ay napagkalooban ng magandang mukha at katawan, ngunit bukod pa rito ay nabiyayaan din sila ng iba’t-ibang talento na kanilang nakuha mula sa kanilang magulang.


Photo Courtesy: Richard Gomez | Instagram




Laking pasasalamat ng mga batang ito sa kanilang mga magulang dahil sila ay nagabayan ng maigi at natustusan ng sapat habang lumalaki. Hindi man sila sumunod sa yapak ng kanilang magulang na maging isang artista, gumagawa naman sila ng sariling pangalan sa ibang larangan.


Photo Courtesy: Richard Gomez | Instagram

Tulad na lamang ng anak ni Richard Gomez at Lucy Torres na si Juliana. Si Juliana ay kasalukuyang namamayagpag sa larangan ng sports na Fencing. Nakamit lang naman ni Juliana Gomez ang Gintong parangal matapos manalo ito sa naturang kompetisyon na ginanap sa Indonesia.


Photo Courtesy: Richard Gomez | Instagram





Photo Courtesy: Juliana Gomez | Instagram

Sa katunayan, ito ay pangalawang International Tournament na nilahokan ni Juliana na kung saan pangalawang beses niya na rin inuwi ang gintong medalya.


Photo Courtesy: Juliana Gomez | Instagram

Dahil rito, proud na proud ang kaniyang ama at ina na sina Richard at Lucy sa nakamit nitong tagumpay. Proud na ibinahagi naman ni Richard ang magandang balita tungkol sa kaniyang anak na may caption na, “Congratulations Juliana Gomez for winning the Gold, you make our country proud.”


Photo Courtesy: Juliana Gomez | Instagram




Ibinahagi rin naman ni Juliana Gomez sa kaniyang social media account ang nakamit na tagumpay na may caption na “Last competition of the year. Now it’s time to head back home.”


Photo Courtesy: Juliana Gomez | Instagram

Ang unang international competition ni Juliana ay ginanap noong Nobyembre 2022 sa Bangkok, Thailand kung saan kaniyang sinungkit din ang gintong medalya.


Photo Courtesy: Richard Gomez | Instagram

Ibinahagi naman ng dalaga ang sikreto sa kaniyang tagumpay, nabanggit niya na dapat may tiwala sa sarili at puspusang training upang maganda ang resulta ng kaniyang laro.


Photo Courtesy: Juliana Gomez | Instagram




Dagdag pa nito na, confident siya sa kaniyang mga galaw noong araw na iyon at talaga napakasuwerte niya na nanalo siya sa kaniyang mga laban. Ngunit ayon sa dalaga, simula pa lamang ito at marami pang darating na pagsubok at hirap sa kaniyang career sa fencing.