Napakalaki na ng pagbabago ng mundo at tila mas bumibilis na ngayon lumipas ang panahon. Hindi natin namamalayan na ang dati-rating napakakulit na mga bata na nagsisitakbuhan sa ating harapan ay mga binata at dalaga na ngayon.
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram
Isa na nga dito ay ang anak ni Jodi Sta. Maria na si Thirdy ay nagdiwang ng kaniyang ika-labing pitong taon na kaarawan. Umusbong sa pagiging isang napakaguwapo at mabuting binata ang anak ng aktres na si Jodi.
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram
Si Thirdy ay ang bunga ng pagmamahalan nina Jodi Sta. Maria at dati nitong asawa na si Panfilo Lacson Jr. Ang kanilang relasyon bilang mag-asawa ay tumagal lamang ng limang taon at doon nagpasya nang maghiwalay at magkaroon na ng kaniya-kaniyang buhay.
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram
Sa isang Instagram post nitong nagdaan lamang na Disyembre 23, binati ni Jodi ang kaniyang labing pitong taong gulang na anak sa pamamagitan ng nakakahabag na mensahe.
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram
Ipinahatid ni Jodi sa kaniyang anak ang magagandang bagay na nawa’y makamit ng kaniyang anak sa buhay nito. Tanging dinadalangin ng ina na si Jodi ay maging matatag at maabot ni Thirdy ang mga pangarap nito.
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram
Sa tuwing hindi abala si Jodi sa lahat ng kaniyang ginagawa sa kaniyang trabaho, sinisigurado niya na magkakaroon siya ng oras upang makabonding ang kaniyang binatang anak sa pamamagitan ng pagtravel sa iba’t-ibang bansa. Sa katunayan ngayong taon nga lamang ay nagbakasyon ang mag-ina sa Netherlands.
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram
Dahil sa kagustuhan nga ni Jodi na nasusulit niya na kabonding ang anak sa tuwing siya ay pahinga mula sa mga proyekto sa showbiz, napakaraming bansa na ang kanilang napuntahan at ang ilan nga rito ay ang Maldives, Hong Kong, Finland, Sweden, Mozambique, Singapore, at South Africa.
Photo Courtesy: Jodi Sta. Maria | Instagram
Nakakatuwang makita na kakaiba talaga ang pagiging close ng mag-inang ito na sa kabila ng walang ama sa kanilang tabi ay nagagawa pa rin nilang tustusan ang pangangailangan na pinansyal. Patunay lamang na isang strong and independent woman ang aktres na si Jodi Sta. Maria.