Napakarami nang artista ang umusbong o umunlad na ang buhay dahil sa kanilang tiyaga upang makamit ang kasikatan sa kanilang napiling larangan. Tila katambal nga ng pagiging isang sikat na artista ay ang pagkakaroon rin ng kayamanan.
Photo Courtesy: John Lloy Cruz | Instagram
Marahil tayo ay napapaisip kung gaano nga ba kayaman ang ating mga iniidolong artista. Tulad na lamang ni John Lloyd Cruz na kung saan ating tutuklasin ngayon kung gaano karami na ang kaniyang kinita at napundar na ari-arian.
Photo Courtesy: John Lloy Cruz | Instagram
Tuwing may family gatherings sina John Lloyd sa kanilang pamilya ay nakagawian ng aktor na magpasikat kung kaya’t dito na rin siguro nadiskubre ang kaniyang talento sa pag-arte.
Photo Courtesy: John Lloy Cruz | Instagram
Naibahagi pa ni John Lloyd Cruz na mahiyain daw talaga siya noong bata pero tuwing may gatherings sa bahay ng kaniyang Lola ay doon na niya napapakita ang kaniyang talento at pagpapasikat.
Photo Courtesy: John Lloy Cruz | Instagram
Napakaraming blockbuster films ang nakamit ni John Lloyd Cruz sa kaniyang karera at napakarami ring brand endorsement na lumapit sa aktor. May mga panahon pa na binansagan siya bilang King of Commercials dahil sa dami nang mga produkto na lumapit sa kaniya para i-endorse.
Photo Courtesy: John Lloy Cruz | Instagram
Kung kaya’t hindi na nakakapagtaka na mapabilang si John Lloyd sa isa sa mga pinakamayamang aktor sa bansa. Ayon sa kalkulasyon ng isang lehitimong source na ating pinagkunan, tinatayang mayroong tumataginting na tatlong daang milyong piso na pang-personal na kayamanan ang aktor.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Sa dinami-dami ng proyekto ng aktor ay nakapagpundar na rin siya ng napakaraming ari-arian na nagkakahalaga ng daang milyon sa kabuuan. Isa na nga rito ay ang kaniyang naipundar na Mansion sa Antipolo City.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Bukod pa rito ay mga mga negosyo rin ang aktor at mga mamahaling sasakyan tulad ng Mercedes Benz, Hilux, Vespa, at Honda CRF.
Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website
Tunay nga na nakakamangha ang dami na ng ari-arian at kayamanan ni John Lloyd Cruz na kaniyang nakuha mula sa pag-aartista. Patunay lamang na nakapag-impok siya ng wasto at sapat para sa kaniyang future. Kung kaya naman kahit hindi na siya magtrabaho muli ay mayroon na rin siyang sapat na kayamanan na pangtustos sa pang-araw-araw.