Ating alamin kung gaano kayaman ang mala-anghel na aktres na si Ellen Adarna

Si Ellen Adarna ay sumikat dahil sa mala-anghel na mukha nito na kahit sino ay siguradong magagandahan sa kaniya kapag nakita siya sa personal. Iyong akakalain na sobrang maamo ang personalidad ni Ellen ngunit sa kabila ng kaniyang itsura ay mayroon itong napakakuwela at masayahin na pag-uugali.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram




Ang napakagandang aktres na si Ellen Adarna ay tubong Cebu at panganay na anak ng mga malalaking negosyante sa kanilang lugar. Lumaki si Ellen Adarna sa mayaman na pamilya ngunit hindi ito naging hadlang upang maging isang matagumpay na independent woman na aktres sa sarili niyang larangan.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Nagsimula na madiskubre si Ellen Adarna sa mundo ng showbiz nang siya ay magsimulang magmodelo noong taong 2005. Hanggang sa mga nagdaang taon ay patuloy na naging matagumpay si Ellen kung kaya doon na siya mas nakilala at sumikat sa industriya.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram




Ang kayamanang taglay ni Ellen Adarna ay hindi matatawaran dahil sa nagsikap rin siya sa buhay upang makamtan ang kaniyang tinatamasa ngayon. Dahil bukod sa yaman na nakuha niya mula sa kaniyang career ay marami rin itong mamanahin na yaman mula sa kanilang Family Business.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Ang ilan sa mga ari-arian nila Ellen Adarna ay ang Chain Motel sa Cebu na Queensland. Mayroon rin silang mga Hotels, Condominiums, Resorts, at Construction Business. Patunay lamang na ubod nga talaga ng yaman si Ellen Adarna at kaniyang pamilya.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Dagdag pa sa mga ari-arian ni Ellen ay ang regalo sa kaniya ng kaniyang asawa na si Derek Ramsay, ito ay ang Luxury Car na Bentley na nagkakahalaga lang naman ng labing-isang milyong piso. Sa kabuuan may estimated na limang milyong dolyar ang kayamanan na net worth ni Ellen.





Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Ang magkaroon ng ganito karaming pera ay masaya dahil mabibili mo ang kahit na anong gusto mo at wala ka na ring poproblemahin sa pang-araw-araw na gastusin para sa iyong pamilya. Tunay nga na inspirasyon si Ellen para sa maraming kababaihan na maging matatag sa lahat ng hamon ng buhay at dapat mayroong sariling panggastos para sa sarili.