Ating alamin kung gaano kayaman ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta

Dahil sa natatanging talento at kagandahan ay agad na umusbong ang career ni Megastar Sharon Cuneta sa industriya. Nang dahil dito hindi na rin nakapagtataka na napakaraming kayamanan ang naipon na ni Sharon.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram




Ang kahusayan ni Sharon sa pag-awit at pag-arte ang naging tulay ni Megastar upang mahalin siya ng napakaraming tagahanga na binansagan pa nga sila na Sharonians. Labis na paghanga ang ipinakita ng napakaraming fans para sa Megastar na talagang nag-udyok sa pagyaman at tagumpay nito.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram

Ngunit bago pa man sumikat si Megastar ay kilala na ang kaniyang pamilya sa industriya dahil anak siya ng mga kilalang personalidad sa bansa na sina Pablo Cuneta at Elaine Gamboa Cuneta. Malaking bagay rin talaga ang pagkakaroon ng koneksyon ng pamilya ni Sharon sa industriya kung kaya’t biglang dumami ang kaniyang taga-suporta dagdag na lang ang kaniyang talento at ganda.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram

Sa katunayan unang napansin ang talento ni Sharon sa pag-awit noong siya ay 12 taong gulang. Habang sila ay nasa isang party ay pinakanta siya roon na dahilan upang napakaraming nakarinig at naantig sa kaniyang natatanging ganda ng boses.





Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram

Hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang mga imbitasyon at alok kay Sharon. Dito na nagsimula ang lahat nang bigyan siya ng oportunidad na gumawa ng sariling kanta, napakasuwerte kung kaniyang maituturing dahil dito na talaga kumatok lahat ng mga biyaya sa kaniyang buhay.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram

Sa usaping yaman naman ng Megastar, hindi na nakakapagtaka kung siya ay mayroong bilyong piso na net worth. Ang lahat ng ito ay kaniyang kinita mula sa kaniyang proyekto na mga series sa telebisyon, pelikula, mga concerts, at product endorsements. Kung kaya’t siya ay nasama sa isa sa mga pinakamayaman na celebrities sa ating bansa.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Facebook




Mayroon ring mansion si Sharon Cuneta sa California na kaniyang nabili sa halagang dalawang milyong dolyar noong taong 2010 ngunit ibinenta niya rin ito taong 2016.

Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Kamakailan nga lamang ay kumalat ang kwento ni Megastar, na habang nagshoshopping ito sa Korea ay hindi siya winelcome ng mga saleslady sa isang kilalang brand doon kung kaya hinayaan niya na lamang ito at pumunta sa kabilang store at dito namili ng napakaraming kagamitan na puro luxury o mamahalin.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram

Walang kaalam-alam ang mga empleyado roon na kayang bilhin ni Megastar ang buong store nila doon ngunit nanguna ang pangmamata nila sa kasuotan ng isang tao na nakacasual attire lamang.


Photo Courtesy: Sharon Cuneta | Instagram




Sa sobrang yaman ni Sharon Cuneta ay pupwede niyang ireklamo sa may-ari ang mga empleyadong ito ngunit hindi na niya ito ginawang big deal na namakyaw na lamang sa katunggaling store. Nakakabilib si Megastar dahil mahaba ang kaniyang pasensya at hindi siya nagpakita ng entitlement na pag-uugali.