Nakakatuwang isipin na ang mag-love team lamang dati sa mga pelikula ay ganap nang mag-asawa na ngayon. Ngayon ay bumubuo na ang dalawa ng sariling buhay at pamilya. Sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay parehong mga talentadong artista sa mundo ng showbiz.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Kamakailan nga lamang ay ipinasilip nila ang kanilang ipinapatayong bahay na naitayo gamit ang container van sa itaas ng bundok. Ibinahagi ng dalawa na malapit nang matapos ang bahay na ito at ready na silang lipatan ito.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Dagdag pa nina Dennis na sobrang beneficial ang pagtira kasama ang nature dahil dito mo lang makukuha ang preskong hangin at mga pagkain. Sadyang napakalaki ng proyekto ng mag-asawang ito dahil may sukat itong 1000 square meters.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Tamang-tama lang daw ito para sa kanilang lumalaking pamilya na kung saan mayroong kaniya-kaniyang kwarto para sa mga bata at napakalawak na outdoor area para malawak na makatakbo ang mga bata.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Siyempre hindi diyan mawawala ang napakalawak na bedroom ng mag-asawa na dinagdagan pa ng napakagandang view at malawak na bathroom.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Pagpasok mo pa lang ng bahay ay matatanaw mo na agad ang kusina at kainan sa kanang bahagi ng tahanan. Habang ang sala naman kung saan ang mga telebisyon at sari-saring entertainment space ay nasa kaliwang bahagi.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Ang ikalawang palapag naman ng tahanan ay ang lugar kung saan matatagpuan ang nursery room para sa baby na may malalaking bintana para sa preskong hangin. Dito rin ang bedroom ng mga bata na sina Jazz at Calix.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Ang isa sa pinakamagandang lugar sa kanilang tahanan ay ang view deck kung saan iyong matatanaw ang napakagandang tanawin mula sa bundok na kinatatayuan ng kanilang tahanan.
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Youtube
Tunay nga na wais na desisyon ng mag-asawa ang manirahan kasama ang kalikasan dahil dito nila matatagpuan ang kapayapaan at malusog na pangangatawan. Malayo sa magulong mundo ng siyudad kung saan napakaingay at mabahong usok mula sa mga pabrika at libo-libong sasakyan.