Isa si Angelica Panganiban sa mga pinakamahusay na artista pagdating sa Drama sa telebisyon dahil sa kaniyang talento na kahit saan mo siya ipasok na role ay kayang-kaya niyang gampanan.
Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram
Ang aktres ay isang half pinay half american ngunit laging mas nangingibabaw ang kaniyang pusong pagiging Filipina. Siya ay isa ring modela, tv host, at komedyante na unang sumabak sa pag-aartista noong siya ay pa lamang.
Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram
Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram
Anim na taong gulang nang unang madiskubre ang talento ng aktres at magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin matatawaran ang kaniyang husay sa pag-arte. Gayunpaman, mayroon nang sariling pamilya na ngayon si Angelica Panganiban kung kaya’t mas focus na siya rito.
Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram
Kamakailan nga lamang ay nagsilang ang aktres ng kaniyang unang anak mula sa asawa nitong si Gregg Homan. Napakaraming netizens at fans ng aktres ang labis na natuwa dahil nakatagpo rin si Angelica ng tunay na magmamahal sa kaniya at hindi siya iiwan.
Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram
Pagdating naman sa kabuuang yaman ni Angelica Panganiban, hindi maipagkakaila na marami na rin itong naipundar at naipon dahil sa tagal niya na sa industriya at dami ng malalaking proyekto nitong ginawa.
Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram
Bukod sa kaniyang mga proyekto sa industriya ng showbiz, napagdesisyunan ni Angelica Panganiban kasama ng kaniyang mga matalik na kaibigan na sina John Prats at Sam Milby na magtayo ng kanilang negosyo. Kung kaya’t nagbukas sila ng sariling Production company na kung saan gumagawa ng mga kalidad na music videos at pelikula.
Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram
Ang asawa naman nitong is Gregg Homan ay ang namamahala sa isan Bay Marine sa Subic kung sila’y nagbebenta ng mga luxurious yacht at sari-saring sasakyang pandagat.
Photo Courtesy: Angelica Panganiban | Instagram
Ayon naman sa isang lehitimong datos, ang net worth ng aktres ay umaabot ng tatlong milyong dolyar o kung sa palitan ng piso ay umaabot ng isang daan at animnapung milyong piso. Totoo man ito o hindi ay hindi talaga malabo na mayroon nang ganitong kalaki na halaga ang aktres na si Angelica dahil sa lahat ng kaniyang sakripisyo at kasipagan upang makamtan ang tagumpay.