Ating alamin kung gaano nga ba kayaman ang komedyante at aktres na si Maine Mendoza

Mayroon talagang mga karaniwang indibidwal lamang nagsimula ngunit biglang nabago ang buhay nang dahil na rin sa suwerte at angking talento sa iba’t-ibang larangan.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram




Tulad na lamang ng aktres at host na si Maine Mendoza na noon ay nagsimulang madiskubre mula sa social media na kung saan kaniyang ipinopost ang kaniyang mga Dubsmash na labis na nagpasikat sa kaniya.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Ito ang naging dahilan kung kaya’t maraming naakit sa kaniyang entertainment skills at nang kuhain siya ng isang sikat na noontime show, dito na labis umusbong ang kaniyang karera.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram




Yumabong pa ng husto ang kaniyang career nang sumikat sila ni Alden Richards sa kanilang comedy everyday series na Yayadub. Ito ay on the spot acting na kinabibilangan nina Jose Manalo at Wally Bayola.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Sobrang naging matagumpay ang kanilang tambalan ni Alden kung kaya’t sila ay humakot ng napakaraming fans na magpahanggang sa ngayon ay sinasamba pa rin sila kahit matagal nang wala ang Kalyeserye.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Si Maine Mendoza ay lumaki sa pamilyang mayroon na talagang magandang pinagkakakitaan. Sa madaling salita si Maine Mendoza ay lumaki sa mayaman o negosyanteng pamilya kung kaya’t may alam na talaga ito pagdating sa pera.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram




Ang edukasyon naman ni Maine Mendoza ay hindi maitatanggi na talagang napakaganda ang pinanggalingan at pinag-aralan. Si Maine Mendoza ay nagtapos sa De La Salle College of St. Benilde sa kursong Hotel Management and Culinary Arts.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Noong maganda ang kitaan ni Maine Mendoza mula sa kaniyang mga product endorsement at sa kalye serye, dito na nagsimula ang mas mayabong na pagiging entrepreneur ni Maine Mendoza.


Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Nakapagfranchise lang naman siya ng sikat na Fast Food Chain sa buong mundo na paborito ng lahat, at ito ay ang Mcdo nalds. May ilang branches na siyang napatayo sa iba’t-ibang lugar dito sa bansa.

Mayroon namang pinapatayo na Mansion si Maine Mendoza, ito ay dalawang palapag na istraktura, mayroong swimming pool, entertainment room, at malawak na bakuran.





Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Napakalaki rin ang kinikita ni Maine Mendoza sa pamamagitan ng pagkuha sa kaniya bilang product endorser ng mga sikat na produkto dito sa bansa.

Photo Courtesy: Maine Mendoza | Instagram

Ayon naman sa pinakalatest na update tungkol sa kabuuang yaman ni Maine Mendoza. Nagkakahalaga ng dalawang hanggang tatlong milyong dolyar o isang daan at animnapung milyong piso ang kabuuan niyang net worth.