Marami sa mga sikat na aktor ang nagkaroon ng maraming anak mula sa iba’t-ibang ina, marahil ito ay normal lamang noon. Dahil nga sa kanilang pisikal na anyo at pagiging maginoo ay hindi malabong magkagusto sa kanila ang mga kababaihan kahit na sila ay mayroon ng anak sa kanilang nakaraan na na nakarelasyon.
Ang aktor na si Robin Padilla ay labis na inidolo noon dahil sa angking talento nito sa pagiging action star at pag-arte sa telebisyon. Dahil sa kaniyang mga karakter na pagiging maangas at napakatapang na bida, agad na inibig siya ng lahat ng tao.
Gayunpaman, kahit napakaraming babae na ang dumaan sa buhay ni Robin Padilla hindi naman maipagkakaila na lahat naman sila ay trinato ng maayos at napasaya ng aktor. Ang ilan pa nga sa kaniyang nakarelasyon ay nabigyan siya ng anak na nagsisigandahan.
Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram
Photo Courtesy: Camille Orosa | Instagram
Ang pinakapanganay na anak ni Robin ay si CAMILLE OROSA na bunga ng pag-iibigan nila ng dating partner na si Leah Orosa. Napakaganda rin ni Camille na hindi maipagkakailang nasa lahi ng Padilla nakuha ang itsura. Hindi man pinasok ni Camille ang mundo ng pag-aartista tulad ng kaniyang ama ay mayroon na rin itong magandang trabaho sa Amerika.
Photo Courtesy: Queenie Padilla | Google
Photo Courtesy: Queenie Padilla | Google
Ang pangalawang anak na babae naman ni Robin ay si Queenie Padilla na bunga ng pagmamahalan nila ng kaniyang asawa noon na si Liezl Sicangco. Kapansin-pansin rin ang taglay na ganda ni Queenie na hindi maipagkakailang pinaghalong itsura ng kaniyang ama at ina.
Photo Courtesy: Kylie Padilla | Instagram
Photo Courtesy: Kylie Padilla | Instagram
Ang sumunod naman na babaeng anak ni Robin ay ang napakagandang aktres na si Kylie Padilla. Ang aktres na si Kylie Padilla ay ang natatanging anak ni Robin na sumunod sa yapak nito bilang artista. Dahil sa taglay na kagandahan at pagiging mestiza nito, napakarami ang humanga kay Kylie at nagmahal sa kaniya na mga fans. Si Kylie ay anak rin ni Robin sa asawa nito noon na si Liezl Sicangco.
Photo Courtesy: kylienicolepadilla | Instagram
Photo Courtesy: robinhoodpadilla | Instagram
Si Zhen naman o Zherileen ang isa rin sa mga anak na babae ni Robin Padilla sa asawa nitong si Liezl Sicangco. Tulad ng kaniyang mga kapatid, napakaganda rin ni Zhen at may angking talino dahil nakapagtapos ito ng Film-making sa Unibersidad ng Australia.
Photo Courtesy: marielpadilla | Instagram
Photo Courtesy: marielpadilla | Instagram
Mayroon namang anak si Robin Padilla sa kasalukuyang asawa nito na si Mariel Padilla, ito ay sina Maria Isabella at Maria Gabriela. Tulad ng kanilang mga ate, litaw na litaw rin kagandahan ng mga batang ito na hindi maipagkakailang nagmana sa kanilang mommy at daddy.
Kakaiba talaga ang karisma ni Robin Padilla, hanggang ngayon ay marami pa rin ang humahanga sa kaniyang kakisigan at pagiging maginoo.