Napakasaya ang bungad ng bagong taon para sa pamilya ni Ina Raymundo dahil agad nilang nasaksihan ang kabutihan ng ibang tao. Laking tuwa na ibinahagi ng aktres na si Ina ang pagiging tapat ng isang Taxi Driver na nagsauli ng mobile phone ng kaniyang anak na lalaki.
Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram
Labis ang pasasalamat ni Ina kay Kuyang Taxi Driver na nagngangalan na Mike dahil napakabuti nito na isauli ang gamit ng anak. Hangang-hanga ang aktres kay Kuya kung kaya’t hindi talaga niya pinalampas ang pagkakataon na ibahagi ang selfie nilang dalawa.
Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram
Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram
Ito ang pahayag ni Ina, “Maraming salamat Mike, Driver ng Rmjj taxi, my son left his phone in his car but he returned it to us.” Pinuri pa ni Ina si Kuya Mike na nagsasabing may ginintuang puso ito at matapat sa kaniyang tungkulin.
Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram
Laking tuwa ng aktres dahil saktong bagong taon pa siya nakakilala ng isang tao na tulad ni Kuya Mike na nagsasabing, “Nakakatuwa at may mga tao pa talaga na may ginintuang puso. Pinaganda mo ang pagpasok ng 2023 namin. May God bless you always.” Ayon sa aktres.
Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram
Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram
Marahil ay napakaraming importanteng mensahe, dokumento at litrato ang telepono ng kaniyang anak kung kaya’t laking pasasalamat talaga ng mag-ina. Siguro’y hindi sa kanila mahalaga iyong halaga ng phone ngunit ang mga nakalagay sa loob nito ay ang pinakaimportante.
Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram
Isang patunay lamang si Kuya Mike na may pag-asa pa talaga ang sangkatauhan dito sa mundo natin na hindi lahat ng taong nangangailangan at gipit ay masisilaw sa tukso. May mga tao pa rin na pipiliing lumaban ng patas at maging tapat sa kanilang napiling propesyon.
Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram
Maging aral din dapat ito sa ibang mga kabataan at mga matatanda na laging maging maingat sa ating kagamitan dahil hindi mo kailanman malalaman ang tunay na halaga ng isang bagay hangga’t hindi pa ito sayo nawawala.