Ibinahagi ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay ang kanilang napakasayang bakasyon sa Europe

Iba talaga ang dulot ng pagtatravel o pamamasyal sa iba’t-ibang lugar para sa isang pamilya dahil dito nila mas nakikilala ang isa’t-isa.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram





Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Sa ganitong paraan ay nakakaipon ng magagandang karanasan at memorya para sa bawat miyembro ng pamilya. Mga hindi malilimutang kaganapan at bagong natuklasan na na mga bagay sa bagong lugar na nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kasabikan para sa kahit kaninong indibidwal.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram

Kung kaya’t hindi ito pinapalampas ng pamilya ni Derek Ramsay at Ellen Adarna na makapaglibot sa iba’t-ibang bansa. Kamakailan nga lamang ay namasyal ang pamilya sa isa sa pinakasikat na pasyalan tuwing tag-lamig at ito ay ang LAPLAND sa bansang Finland.


Photo Courtesy: Ellen Adarna | Instagram




Masayang ibinahagi ni Ellen at Derek ang kanilang napakagandang mga larawan na kuha mula sa naturang lugar. Kasama nila ang kanilang baby boy na si Elias na kung saan labis na nag-enjoy sa pakikipaglaro sa snow at skiboarding.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Sa ilang kuha na litrato ng pamilya, isa rito ay ibinahagi ni Ellen Adarna na kung saan matatanaw sa likod ng mag-asawa ang pinakasikat na tanawin na kung tinatawag ay Aurora Borealis o ang northern lights.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Maliban sa napakagandang mga ilaw na hatid ng Aurora Borealis, makikita rin sa mga litrato na talagang labis na sumaya ang pamilya dahil sa kanilang pakikipaglaro sa snow.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram




Bago pa nga ang kanilang Finland Trip, ay nagtungo rin ang pamilya sa Paris, France na kung saan kanila namang nakita ang napakagandang Eiffel Tower. Talagang labis na nag-enjoy sina Ellen sa kanilang Europe Trip na tunay ngang hindi matatawaran ng kahit anong halaga ang kaligayahan na kanilang nadama.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Marami namang netizens ang labis na natuwa sa kanilang tatlo dahil kitang-kita ang kasiyahan nila sa kanilang adventure dagdag pa ang labis na kacute-an ni Elias sa bawat litrato nito. Napansin rin ng netizens kung gaano mas kainlove ang mag-asawa sa isa’t-isa.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Isa sa pinakamagandang investment nga ang pagtatravel dahil dito mas nagiging matatag ang pagsasama o relasyon ng isang pamilya. Mas mainam na pagtuunan rin natin ng pansin o kahalagahan ang mga ganitong gawain para sa ating pamilya, maging local man yan o international na travel.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Malaking bagay pa rin ang nakakapagpahinga at nakakatuklas rin ng ibang lugar ang bawat isa sa atin dahil dito natin makikita ang kagandahan ng mundo na gawa ng ating Diyos.