Maui Taylor at ex-husband, nasa iisang bubong pa rin nakatira kasama ang kanilang mga anak

Mayroong pagkakataon sa buhay natin na sasampalin tayo ng katotohanan na hindi lahat ng bagay ay naaayon sa kung anong gusto o nais natin na mangyari sa ating buhay.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram




Napakarami sa mga relasyon ngayon ay nawawasak dahil sa kadahilanang hindi naging matibay ang pundasyon ng pagsasama ng isa’t-isa. Mabuti sana kung walang ibang tao na maaapektuhan sa pagkabuwag ng relasyon ngunit ang masama rito ay kung nagbunga ang kanilang pagmamahalan.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram

Sa hindi magandang pangyayari na pagkasira ng relasyon ng mag-asawa ay labis na maaapektuhan dito ay ang mga bata dahil tanging hangad lamang nila ay isang buo, masaya, at nagtutulungan na pamilya. Masyadong inosente pa ang isipan ng mga bata kung kaya’t isa ito sa nagiging dahilan ng labis nilang pagkalungkot sa murang edad.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram

Gayunpaman, unti-unting nagbabago na nga ang panahon ngayon dahil ang ibang mag-asawa na nagdesisyong wakasan ang kanilang pagsasama ay nakaisip ng mas maiging paraan upang manatiling buo pa rin ang kanilang pamilya sa mata at puso ng kanilang mga anak.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram




Ito ay ang tinatawag na co-parenting, ito ay ang paraan o kasunduan ng mag-asawang hindi pinalad sa kanilang forever na kung saan pareho nilang ginagampanan ang responsibilidad sa kanilang mga anak na may pagkakataong nagkakasama pa rin sila sa ilang mga importanteng okasyon.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram

Katulad na lamang ni Maui Taylor at ng kaniyang ex-partner na nagdesisyong magco-parenting sa kanilang mga anak. Ngunit ibang level ang kanilang pamamaraan ng co-parenting dahil sila’y nananatiling magkasama pa rin sa iisang bubong.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram

Inihayag ni Maui Taylor na nagdesisyon silang magsama pa rin sa isang bahay sa kadahilanang ang kanilang isang anak ay mas malapit sa aktres at ang isa naman ay mas malapit sa ama.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram




Inihayag ng aktres na ayaw niya dumating sila sa punto na magkahiwalay ang tirahan ng magkapatid. Nagkaroon naman ng kasunduan ang magex-partner na bawal sila magdala ng kaniya-kaniya nilang dinidate sa bahay kung saan silang pamilya nakatira.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram

Ibinahagi rin nila Maui Taylor ang ilang detalye sa ilang rason na dahilan ng kanilang hiwalayan. Pagbabahagi ng aktres na hindi umano nila pinaguusapan ang kanilang problema kapag sila ay nag-away kung kaya’t ang mga sugat at butas ng ugat ng kanilang suliranin ay mas lalong lumalaki na dahilan ng pagsuko ng isa’t-isa.


Photo Courtesy: Maui Taylor | Instagram

Kung kaya’t dito na biglang nagdesisyon ang mag-partner na itigil na at mapagod sa lahat ng mga away.