Ang aktres na si Glaiza De Castro at asawa nitong si David Rainey ay kamakailan lamang nagbukas ng bago nilang negosyo na matatagpuan sa Baler, Aurora. Masayang ibinahagi naman ito ng aktres sa IG na agad namang ikinatuwa ng napakaraming netizen.
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | Instagram
Ang nasabing post ay may kalakip na mga larawan na naglalaman ng itsura ng nasabing cafe. Nagbahagi naman ng kwento si Glaiza na ini-imagine lamang nila umano ito noong nagsisimula pa lamang ang pandemic ngunit ngayon ito ay nagkakatotoo na.
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | Instagram
Maraming pagsubok rin ang dumaan sa kanila bago naitayo ang kanilang negosyo, maproseso umano ang lahat ng kanilang pinagdaanan ngunit ang lahat ay nakakasabik at kasiya-siya na karanasan.
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | Instagram
Pinagtuunan niya rin ng pansin ang pagpuri sa kaniyang asawa dahil sa sipag, determinasyon, at pagiging malikhain nito upang maisakatuparan ang lahat.
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | Instagram
Ang kanilang cafe na pinangalanan na Brewbox Baler ay nagbukas noong Pebrero 17 na mayroong napakagandang disenyo na kung ating ilalarawan ay tinatawag na tropical-inspired, na binubuo ng mga ilaw na pendant, mataas na kalidad na kusina, at mga woven textures.
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | Instagram
Hindi lamang ang mga nakakamangha na interiors ang inyong ikakasiya rito, higit sa lahat ay ang mga napakasarap na inumin at pagkain. Ang Brewbox Baler ay nag-aalok din ng magagandang musika upang payapa at komportable ang pamamalagi ng magkakaibigan o magkapamilya.
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | Instagram
Bukod sa cafe na mayroon sina Glaiza De Castro, ay mayroon rin silang Bed and Breakfast na tinawag na Casa Galura. Ito naman ay nakatayo rin sa Baler Aurora.
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | Instagram
Ang Casa Galura ay isa sa pinakamagandang pag-stayan sa Baler kasama ang pamilya o mga tropa. Mayroon silang inooffer na walo at sampung akomodasyon para sa mga nagbabakasyon. Mayroong dalawang room na maaaring pagpilian, ito ay ang Grazilda at Contessa. Mayroon itong napakagandang pool, mini gym, at rooftop na para sa mga guest.
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | Instagram
Photo Courtesy: Glaiza De Castro | InstagramAyon pa kay Glaiza, marami ang nagtatanong kung bakit raw sa Baler niya napili mag-invest. Ang sagot naman niya rito ay mayroong magagandang memorya para sa kaniya ang Baler noong siya ay bata pa lamang dahil dito sila madalas magfamily gathering at namimiss niya daw ito.