Kinaguguluhan ngayon ang isang lalaking taga-romblon na diumano’y kamukha-kamukha ni Joshua Garcia na nagtataglay rin ng natatanging kaguwapuhan. Hindi mo maitatangging malaki nga talaga ang pagkakahawig ng dalawang ito base sa mga litrato na iyong makikita sa ilalim ng pahinang ito.
Photo Courtesy: Joshua Garcia | Instagram
Photo Courtesy: Joshua Garcia | Instagram
Photo Courtesy: Joshua Garcia | Instagram
Bukod sa angking kaguwapuhan ni Joshua, mayroon rin itong kakaibang karisma na talagang hindi mapigilan ng mga babae na siya’y labis na hangaan. Ang mga katangian ni Joshua Garcia ang hinahanap-hanap ng karamihan ng mga kababaihan ngayon at talagang tila bagyo ang pagdagsa ng mga humahanga sa binata.
Photo Courtesy: Joshua ng Romblon | Facebook
Tulad na lamang ng lalaking ito na nagtataglay rin ng kaguwapuhan na mayroon si Joshua Garcia, napakarami ang nagkakagulo sa pagkadiskubre sa lalaking ito dahil sa tinataglay nitong itsura na mayroon malaking pagkakahawig kay Joshua Garcia.
Photo Courtesy: Joshua ng Romblon | Facebook
Photo Courtesy: Joshua ng Romblon | Facebook
Tinagurian pa nga siyang Joshua Garcia sa kanilang lugar kung kaya’t nang mayroong magshare nito sa social media ay agad-agad itong kumalat at hindi na napigilan ng mga kababaihan na humanga sa lalaking ito.
Photo Courtesy: Joshua ng Romblon | Facebook
Photo Courtesy: Joshua ng Romblon | Facebook
Iba rin talaga ang nagagawa ng social media dahil sa isang iglap lamang ay maaaring maging instant celebrity ang isang indibidwal na nananahimik lamang sa tabi ngunit nang dahil nga sa kaniyang angking kaguwapuhan ay hindi na talaga mapigilan ang pagsikat nito at pagdami ng fans.
Photo Courtesy: Joshua ng Romblon | Facebook
Kapansin-pansin nga naman talaga na mayroon ring potensiyal ang lalaking ito na maging artista at madiskubre balang-araw. Hindi na ito nakakapagtaka kung mangyari man agad dahil sa tinataglay nitong mala-Joshua Garcia na mukha.